Huwebes, Disyembre 1, 2016

Crypton z mantis yamaha Year model 2004

Crypton z mantis yamaha
Year model 2004


Nakabili ako ng yamaha crypton z mantis mula sa aking katrabaho sa halagang seven thousand pesos noong last year lang,  bali Isang taon na sya sa akin at maganda naman ang makina napaka tahimik nito at buo pa halos ang kaha pati ang mga ilaw nito ay nagana o  nagagamit ng ayos, Napansin ko lang na para sa akin mas matibay ang mga lumang motorsiklo kaysa sa ngayon dahil sa mga ilaw nito at mga kaha ay kahit 12 years old na ang akin yamaha crypton z mantis ay maayos parin nito at talagang maganda ang takbo. Kung kayat nasa stage ako ngayon ng restoration at modification para dito.
Syempre may ibang mga tao na huhusga at manlalait sa balak kong ito na porket luma daw e pangit na, pero base sa nakikita ko sa panonood sa YouTube at google sa mga set up ng yamaha crypton z mantis ay nabubuhayan ako at gusto ko ngayon kopyahin ang sample ng yamaha cryton z mantis sa iba tulad ng thailand indonesia  dahil kulay blue rin ang akin.. yet ramdam ko na malaki ang gastos dahil sa gulong palang ay 4300 na kagad (racingboy 10 spokes) at sa tire aabot ng 3000 (fdr xr sports evo)at sa shifter ng 4500(racingboy single shifter) pataas.. sa pipe wala pa akong idea pero balak ko umpisahan sa pintura para maramdaman ko na kagad ang evolution ng akin modification.hope fully these nextweek makabili na kami ng pinturahan at samurai paint ang gagamitin namin dahil mas convinient nitong gamitin para sa ating mga kaha o mga bakal ng motorcycle gusto ko ipost sa susunod kong blog ang result ng aking yamaha crypton z mantis para iapakita sa inyo ang paunti unti kong evolution sana mayroon din kau para may kabatuhan ako ng idea o may kapalitan kung maari..
Yung pic po ay nakita ko lang sa irgp carmona last november at nung nakita ko po ito ay nagustuhan ko kagad dahil alam ko opisyal ito ng racingboy na bike dahil subok ang makina o perpormans ng crypton pagdating sa circuit race..patunay narin siguro ung napapanood ko sa youtube na laging crypton z ang leading sa race bike ng yamaha kaya gustong gusto ko talaga na mapanatili ko ang akin crypton z dahil lolo na ito pero tinitingala parin ng mga motorcycle user.. hindi lang dahil yamaha,kung hindi dahil ito ay matibay at mabilis!

Best bike check
Best performace check
Best good looking check
Yamaha revs your heart

1 komento: