Ang racingboy sa pinas ay marami na pong makukunan kahit saan reseller sa facebook at sa mga shop sa kalsada ay meron at mahal pa kung minsan.
Ngunit sigurado kabang genuine ang nabili mo? Dahil sa itsura at presyuhan ay parehong pareho na kahit kaming mga wholesaler ay d mahalata ang totoo o hindi. Kahit po ako ay naloko na o nakapagbenta narin ng hindi ko alam na ito ay peke pala.
Ito ay nalaman ko lng ng ibunyag ng nagbabagsak sa akin na yung mga nauna kong nakuha at naibenta ay peke.
Napansin ko rin na kaya pala ito ay kumukupas makalipas ang isang buwan,
Yung itim kasi ay nagiging bronze yung gold ay napupudpod.
Kung kayat nitong huli ay sinigurado kong makukuha ko sa suplier ay original o genuine dahil nakakabahala at baka pati ako ay madamay sa kanila.
Sa ngayon ang alam ko ay lever palang ng kanilang napepeke.
Sana lang ay sa racing boy mags eight spokes/ten spokes ay hindi mapeke, dahil ito ay ang parte na mahalaga sa isang motorsiklo, dahil kung ito ay mahuna o madaling masira ay baka idulot pa ng isang aksidente na mauwe sa kamatayan ng isang rider.
Ang racingboy po ay may retail price na dapat ay alam ninyo upang hindi kayo madaya o mabentahan ng peke.
Sample ang racingboy eight spoke ay sa market ngayon ay 3500-3700 nalang dipende s magbebenta, magtaka po kayo kung mas mababa pa dito ay paano siya tutubo dahil kami as whole sale ay 3300 ang hango o puhunan kung kayat kung 3300 mo mkukuha ibigsabihin ay masmababa nya pa itong nakuha na posibilidad na ito ay peke. At kung sa pantayan naman ng presyo kung may nakit kayong racingboy eight spoke na 3500 eh dapat naman ay kilatisin nyong maigi sa inprenta at pagkakapulido ng pintura at hulma ng nasabing racingboy eight spokes. Sa karton po basi sa aking pagiging resseller ay kaya nilang gawin na kopyang kopya kaya, maging mabusisi at kilatisin ng maigi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento